Mga pulis na coronavirus patients, 450 na

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2020 06:42 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nadagdagan pa ang bilang ng mga frontliner ng Philippine National Police na tinamaan ng COVID-19.

Iniulat ng PNP-Health Service na 10 pang tauhan ng PNP ang nagpositibo sa nasabing karamdaman.

Dahil dito, umaabot na sa 450 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa nasabing sakit.

Umakyat naman sa 271 na pulis ang mga gumaling sa COVID-19 at nananatili sa 7 ang nasawi, habang 695 ang probable at 884 ang suspected cases.

May sariling coronavirus testing center ang PNP at may quarantine facility rin sa Camp Crame, Quezon City.--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.