Home > News Quiapo Church naghahanda na para sa pista ni San Juan Bautista ABS-CBN News Posted at Jun 18 2021 09:23 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Marami ang maagang pumila sa Quiapo Church Biyernes ng umaga. Hindi lang kasi ito normal na Biyernes dito. Pinaghahandaan na rin kasi ang fiesta ni San Juan Bautista o Saint John the Baptist. Kilala ang Quiapo Church dahil sa Itim na Nazareno pero ito ay Parish ni Saint John the Baptist, na kanilang patron saint. Sa Hunyo 24 sa susunod na Huwebes ang pista, na kasabay din ng Araw ng Maynila. Bukod dito, pinaghahandaan din ng simbahan at mga deboto ang pormal na pagtatalaga sa bagong Arsobispo ng Maynila si Jose Cardinal Advincula. Paligid ng Quiapo Church napuno ng deboto sa huling Biyernes ng Mayo Sa Hunyo 24 din isasagawa ang formal installation sa Manila Cathedral. Some Catholics brave quarantine restrictions, COVID-19 in show of faith on Good Friday Sa ngayon, 500 tao na ang pinapapasok sa Simbahan kada misa at required pa rin ang face shield sa mga pumapasok sa loob. Kung dati sa Carlos Palanca Street ang pasukan, ngayon dito na sa Carriedo pumipila ang mga tao. — Jervis Manahan, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber St John the Baptist feast, San Juan Bautista pista, Quiapo Church, Quiapo, simbahan, TeleRadyo, Sakto, Tagalog news Read More: St John the Baptist feast San Juan Bautista pista Quiapo Church Quiapo simbahan TeleRadyo Sakto Tagalog news