PatrolPH

P2-M halaga ng shabu nasabat sa 2 umano’y tulak sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2021 08:42 AM

Watch more on iWantTFC

Arestado ang 2 drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa Taguig City Miyerkoles ng gabi.

Batay sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng operasyon ang drug enforcement unit ng Northern Police District sa Cagayan De Oro Street, sa Barangay Maharlika.

Nahuli ang 48-anyos na si alyas Halima at 20-anyos na si alyas Ponggo.

Tinangka silang bilhan ng nasa 10 gramo ng shabu, pero nang mahuli nasabat sa kanila ang 6 na sachet na nasa 300 gramo o P2.04 milyong halaga ng hinihinalang droga. 

Nahaharap ang 2 sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act, habang iniimbestigahan naman kung sino ang source nila ng shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.