PatrolPH

Ilang food delivery riders sa kalsada na nagpapahinga para maging sapat ang kita

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2022 10:11 AM

Watch more News on iWantTFC

Mas lamang na ang oras ng ilang food delivery riders sa kalsada kaysa sa kanilang sariling bahay. 

Para sa mga rider na tulad ni Erwin Santos, bangketa na ang kanilang naging pahingahan. 

Aniya, noong nakaraang taon sa 5 oras, posible sila kumita ng isang libo. 

Pero dahil sa sunod sunod na pagsirit ng presyo ng gasolina, hindi na bumababa sa 16 hours ang kanyang duty kada araw. Minsan lumalagpas pa ito kung matatapat pa siya sa mga no show customers. 

Ayon sa food delivery riders, hindi lang ang puyat at nagmamahal na presyo ng gasolina ang hamon sa kanila. 

Hanggang ngayon, madalas pa rin sila na bibiktima ng fake bookings. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.