PatrolPH

Higit 23,000 inmate sa BuCor nabigyan ng 1st booster shot

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2022 09:29 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Nasa 23,458 na bilanggo na ang naturukan ng unang booster dose laban sa COVID-19 sa 7 piitan ng Bureau of Corrections.

Ayon kay Dr Henry Fabro ng BuCor health service, ito ay kumakatawan sa 54% ng populasyon ng mga nakatanggap na dalawang dose ng bakuna.

Aniya, may ilang bilanggo ang naghihintay pa ng interval para mabigyan ng booster shot.

Sa bilang ng mga nakatanggap ng unang dose ng booster, pinakamarami ang nasa New Bilibid Prison.

Dito, nasa mahigit 9,300 ang naturukan na.

Sumunod naman and Davao Prison and Penal Farm na nasa mahigit 5,100.

Habang nasa mahigit 3,000 naman sa correctional institution for women sa Mandaluyong City.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.