Ilang lugar sa Taguig at Pateros, balik sa lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 06:55 AM | Updated as of Jun 17 2020 08:57 PM

Watch also in iWantTFC

Muling isasailalim sa enhanced community quarantine ang ilang lugar sa Taguig at Pateros dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19.

Sa Pateros City, inanunsyo ni Mayor Ike Ponce na balik ECQ ang Barangay Santa Ana dahil nakapagtala na ito ng 9 na active cases ng COVID -19, ang pinakamaraming kaso sa lungsod.

Ayon sa alkalde, maaari naman lumabas ng bahay para lang bumili ng essential goods, kagaya ng pagkain, at kailangan may quarantine pass.

Sa Taguig City, ang Purok 5 at 6 naman ng Barangay Lower Bicutan ay isasailalim din sa ECQ simula alas 6 ng gabi nitong Miyerkoles hanggang July 1.

Maaari lumabas ng bahay ang mga residente para bumili ng pagkain basta may quarantine pass.

Ang buong barangay ng Lower Bicutan ay may 53 confirmed COVID-19 cases, isa sa pinakamataas sa Taguig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.