2 suspek sa pananambang ng piskal, patay sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 09:11 AM | Updated as of Jun 17 2019 09:25 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang 2 suspek sa pananambang sa isang babaeng piskal sa Calapan, Oriental Mindoro matapos makaengkuwentro ang mga pulis sa lungsod, Lunes. 

Nasa sasakyan ang prosecutor na si Josephine Olivar nang barilin siya ng mga hindi nakilalang gunman nitong Hunyo 10. Nakaligtas siya sa kabila ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan. 

Natunton ng mga awtoridad ang suspek sa Barangay Sapul, pero bigla silang namaril, ayon sa pulisya. 

Nauna nang kinondena ng Integrated Bar of the Philippines at justice department ang pamamaril kay Olivar, na ayon sa ahensya ay maaaring konektado sa kaniyang trabaho. 
 
DZMM, Hunyo 16, 2019 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.