PatrolPH

Produksyon ng manok humina dahil sa mataas na presyo ng patuka, krudo

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2022 02:18 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Humina ang produksyon ng manok sa bansa dahil nag-ingat ang industriya sa kabila ng nagtaasang presyo ng patuka at produktong petrolyo, ayon sa isang grupo ng mga magmamanok.

Ayon kay United Broiler-Raisers Association president Elias Jose Inciong, hindi pa bumabalik ang dating sigla ng ekonomiya ng bansa. Umaasa rin sila na bababa ang demand ng manok pagkatapos ng eleksyon.

"Nag-ingat ho ang industriya. Bukod sa roon, may hamon tayo sa produksyon dahil... mahal ang patuka... mataas ang krudo," aniya sa panayam sa TeleRadyo Huwebes.

"Siyempre mag-iingat ka dahil mas mataas ang tsansang malugi ka ng malaki."

Sinabi ng Department of Agriculture Miyerkoles na tumaas ang presyo ng manok sa pamilihan dahil sa mababang produksyon nito.

Pumalo sa P200 kada kilo ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila. Mas mataas ito ng P25 kada kilo noong nakaraang buwan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.