Pananambang sa alkalde ng bayan ng Teresa, kinondena

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2020 07:08 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Kinondena ng pamahalaan ng Rizal province ang pag-ambush kay Teresa, Rizal Mayor Raul Palino Lunes ng hapon.

Nasa mabuting kalagayan ang alkalde pero sugatan at patuloy na ginagamot ang kaniyang driver at security detail.

Ayon sa pahayag ng Rizal public information office, mariing kinokondena ng Rizal at ang mga bayan nito ang naturang pamamaril sa alkalde.

Nag-alok ng cash reward ang Rizal provincial government sa sinumang makakapagturo sa salarin.--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.