Jeepney drivers namalimos, umapela ng tulong sa gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2020 10:19 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Mahigit isang dosenang jeepney drivers ang namalimos sa kahabaan ng C3 sa Caloocan matapos i-extend ang general community quarantine sa Metro Manila.

Umapela si Alberto Enting, isang tsuper, na sana ay matulungan sila ng gobyerno at ng iba pang sektor dahil 3 buwan na silang walang kita para sa kanilang pamilya.

Ayon sa mga driver ng rutang Sangandaan-Divisoria, sinusunod pa rin nila ang physical distancing sa pamamalimos. Naghati-hati rin ang nasa 100 tsuper ng lugar kung saan sila humihingi ng donasyon sa mga motorista.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News