HULI sa CCTV: Binata, nahuling nagnanakaw ng padyak

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2017 09:45 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inaresto ng mga tanod ang isang binatilyo na nahuling nagnanakaw ng padyak sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Na-monitor ng mga barangay tanod ang kakaibang kilos ng lalaki sa CCTV. Ayon sa kanila, dalawang beses bumalik ang kawatan sa lugar kung saan nakaparada ang sidecar ni James Magtibay na ginagamit niya sa pagtitinda ng street food.

Sa CCTV, nakitang tumambay muna ang lalaki sa ilalim ng puno malapit sa hanay ng mga padyak. Nang makita niyang wala nang dumaraang tao sa kalye saka niya hinatak ang bisikleta at pinadyak ito paalis.

Doon na siya sinundan ng mga nagpapatrol na tanod hanggang sa siya'y makorner.

Nang mahuli, doon nalaman na 16-anyos lang pala ang suspek at dayo lang mula sa ibang barangay kung saan may mga kaso na rin pala siya ng pagnanakaw.

Sa huli, pinili na lang ni Magtibay na huwag nang dalhin sa pulis ang kaso kaya naman pinakawalan din ang binatilyo. – Umagang kay Ganda, 16 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.