Pagtaas sa Alert Level 2 sa NCR, kailangan ba?

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2022 12:31 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Hindi na umano kailangan ang pagtaas ng COVID-19 Alert Level sa Metro Manila kahit dumadami ulit ang kaso ng coronavirus sa rehiyon, ayon sa isang eksperto.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, na isang infectious disease expert, mas maayos na ang sitwasyon ngayon kaysa noon kahit nasa 500 hanggang 600 ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw.

Pero, aniya, inaasahan na sa variant of concern tataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Dapat pa rin umano maghanda ang mga ospital sa pagtaas ng kaso. Kung mild COVID symptoms lang ang nararanasan ng pasyente, hindi na kailangan i-admit ito sa ospital.

Majority pa din umano ng general population ng bansa ang hindi pa nakakatanggap ng booster.