Lalaki patay matapos saksakin nang higit 20 beses

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2017 12:07 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hustisya ang hiling ng pamilya ng 23 anyos na lalaking pinatay at iniwan sa gitna ng palayan sa Baliuag, Bulacan. Mayroong higit 20 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan at mayroon ding mga pasa ang biktima. Nawawala rin ang kanyang pera at motorsiklo. Huling nakita ang biktima na nakaangkas sa motorsiklo kasama ang isa sa mga suspek. Nagpa-Patrol, Kevin Manalo. TV Patrol, Huwebes, 15 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.