11 bangkay na narekober sa Marawi, inilibing sa mass grave

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2017 11:08 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Labing-isang bangkay na walang pagkakakilanlan na narekober sa Marawi ang inilibing sa isang mass grave, umaga ng Huwebes. Sa kabuuan, higit 30 sibilyan na ang naitatalang namatay dahil sa bakbakan. Maaari namang lumapit sa Scene of the Crime Operatives at sa Department of Interior and Local Governance sa Iligan ang mga pamilyang naghahanap pa rin ng kaanak upang matingnan ang mga larawan at matukoy kung nailibing na sa mass grave. Nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol, Huwebes, 15 Hunyo 2017.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.