PatrolPH

Mga ospital sa Roxas sa Palawan, 'punong-puno' na dahil sa mga COVID-19 cases

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2021 01:05 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Puno na ang mga ospital sa bayan ng Roxas sa Palawan dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases doon, ayon kay mayor Dennis Sabando.

Mayroon ng local transmission sa bayan kaya umakyat na sa 228 kaso ng COVID-19 ang naitala simula Marso 2020, ayon sa alkalde. 

Mayroon namang 53 aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan at 5 pasyente ang namatay dahil sa sakit.

"Sa ngayon po, punong-puno po (ang mga ospital) kasi hindi lang po bayan ng Roxas ang gumagamit. May karatig na munisipyo rin po na dyan dinadala (ang pasyente nila)," aniya sa panayam sa TeleRadyo nitong Lunes.

Nananatiling bukas ang mga negosyo sa bayan at maaaring pumasok ang mga residente ng karatig-bayan kung sila ay negatibo sa antigen test, ayon kay Sabando.

Isinailalim ang probinsiya sa state of calamity noong nakaraang linggo upang pabilisin ang pagrelease ng pondo para sa pagtugon sa COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.