Militar, nilinaw na hindi aatakihin ang mga lugar-sambahan sa Marawi

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2017 02:54 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dinepensahan ng Armed Forces of the Philippines ang pagsama ng matataas na security officials ng bansa sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia. Samantala, nilinaw ng militar ang nauna nitong pahayag na sisimulan na nilang atakihin ang mga masjid na ginagawang kuta ng mga terorista. Ayon sa kanila, hindi nila gagayahin ang mga teroristang naninira ng mga lugar na sinasambahan. May iba pa rin naman daw paraan ang militar para tuluyang mapalayas ang Maute group sa lungsod ng Marawi. Nagpa-Patrol, Pia Gutierrez. TV Patrol, Miyerkoles, 14 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.