Lalaki, binaril sa loob ng sariling bahay

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2017 10:55 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang isang itinuturong drug user sa Marikina nang pagbabarilin siya ng mga armadong lalaki na pumasok sa kanyang bahay.

Naghahanda nang matulog sa kanilang bahay sa Naluhod Street, Barangay Santo Niño, Marikina kagabi ang 44 na taong gulang na si Russel Jocson nang pumasok ang gunmen sa kanyang kwarto at pinagbabaril siya.

Kasama niya sa kwarto ang kanyang inang may sakit.

Ayon sa ilang nakakita, tatlong lalaki ang pumasok sa bahay ni Jocson.

Pero hindi lahat ng suspek ay nakita ng kanyang ina.

Ayon sa mga pulis, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang si Jocson, pero nagpatuloy umano sa pagdodroga, bagay na itinanggi naman ng kanyang kamag-anak. Umagang kay Ganda, 13 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.