Kotse na nakikipag-karera umano, bumangga sa isang van

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2017 10:57 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nasa apat ang sugatan matapos bumangga ang isang kotse sa isang van sa Aurora Boulevard sa Quezon City Martes ng madaling araw.

Ayon sa isang nakakita, nakikipag-karera umano ang bumaliktad na kotse sa 2 iba pang sasakyan.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang batang anak ng driver ng van.

Sinugod rin sa ospital ang driver ng bumanggang kotse at isa pang pasahero.

Higit isang oras at kalahati isinara sa mga motorista ang bahagi ng Aurora Boulevard dahil sa aksidente. – Umagang kay Ganda, 13 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.