20,000 trabaho alok ng DOLE sa job fair sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 11:49 AM | Updated as of Jun 12 2019 12:03 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Halos 20,000 trabaho ang naghihintay sa mga aplikante sa job fair ng Department of Labor and Employment sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila ngayong Independence Day.

Karamihan sa mga job opening ay para sa pribadong sector bilang production machine operator, factory worker, call center agent, cashier at mananahi.

Nasa 7,000 namang bakanteng puwesto ay para sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Internal Revenue, Department of Social Welfare and Development, Metro Manila police at Metropolitan Manila Development Authority.

May ilang job vacancy rin para sa Brunei, China, Japan at Saudi Arabia.

Bukas ang job fair hanggang alas-4 ng hapon, Miyerkoles.

DZMM, Hunyo 12, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.