Paglilitis sa ina ng Maute brothers, ipinalilipat sa labas ng Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2017 01:57 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang apat na hinihinalang miyembro ng Maute group matapos tambangan ang police convoy na magdadala sa kanila papuntang Cagayan de Oro. Kasunod nito, hihilingin ng Department of Justice na mailipat sa ibang lugar ang paglilitis kay Farhana Maute, ina ng magkapatid na lider ng Maute group. Banta kasi umano sa seguridad ng Cagayan de Oro ang posibleng tangkang pagsaklolo ng mga terorista kay Farhana. Nagpa-Patrol, Rod Bolivar. TV Patrol, Lunes, Hunyo 12, 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.