P2.7-M halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa isang Nigerian sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2021 06:53 AM

Watch more in iWantTFC

Arestado ang isang Nigerian national at kasamahan nito sa isang buy-bust operation sa Barangay West Rembo, Makati nitong Huwebes.

Ayon sa Makati Police, arestado ang 38 anyos na Nigerian at ang kasamahang si alyas Buntis na pawang mga taga-Cavite.

Nakipagtransaksyon ang dalawa sa poseur-buyer para sa P150,000 halaga ng ilegal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 400 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. — Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.