Libreng bisikleta, safety gear ipamimigay sa delivery riders sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 09:19 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patok ngayong pandemya ang mga delivery service kaya dagdag trabaho bilang delivery bikers ang nakikitang magandang oportunidad ngayon.

Sa pakikipagtulungan ng City of Manila at delivery service na Food Panda, inilunsad ang programang PandaBizikleta para suportahan ang pagkakaroon ng freelance delivery bikers sa lungsod.

Noong nakaraang taon ay mga tricyclce drivers sa Maynila ang tinulungang makapag-shift sa pagiging delivery service matapos mawalan ng hanap-buhay dahil sa paralisadong transportasyon dahil sa pandemya.

Ngayon naman ay mamimigay ng mga libreng bisikleta at safety gear na donasyon mula sa international relief organization na Samaritans First.

Nasa 30 beneficiaries ang makatatanggap din ng rider kit na may uniporme, thermal box at thermal bag na lalagyan ng delivery items. Discount naman sa rider kits ang ibibigay sa mga susunod na benepisaryo na pwedeng hulugan ng biker.

Pinaalalahanan naman ang mga delivery rider na parte sila ng A4 priority list at pwede nang mabakuhanan kontra COVID-19.

Pangungunahan ng Manila Public Employment Service Office ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga interesadong maging benipisaryo at inaasahan makatutulong para unti-unti nang buhayin ang ekonomiya.

- TeleRadyo 10 Hunyo 2021