PatrolPH

Korte Suprema, nagbahagi ng tone-toneladang gulay sa mga community pantry

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 01:07 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nasa 18 toneladang gulay na binlli mula sa mga magsasaka sa Luzon ang ibinahagi ng Korte Suprema sa iba-ibang community pantries Huwebes.

Ginawa nila ito bilang paggunita sa ika-120 anibersaryo ng korte sa Biyernes.

Nagkasundo ang 14 na mahistrado ng Korte Suprema na magbigay mula sa kanilang personal na pondo sa mga community pantry bilang pagkalinga sa kapwa.

Sako-sakong kalabasa, upo, mais at iba pang mga gulay ang kanilang ibinigay sa 16 community pantries sa Luzon, sa indigent ward ng Philippine General Hospital, at maging sa Manila Police District.


- TeleRadyo 10 Hunyo 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.