PatrolPH

Babae, lalaki patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2021 07:14 AM | Updated as of Jun 10 2021 07:20 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Patay ang isang babae at kasamang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang kanilang sasakyan sa Barangay Mariana, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Hindi pa kilala ang mga biktima na maaaring mag-asawa, ayon kay QC Police District director Brig Gen. Antonio Yarra.

" 'Yung babae, according sa witness natin, pinaghihila siya at pinagbabaril. Tapos 'yung lalaki habang umaatras pinagbabaril din," aniya.

" 'Yung lalaki may tama ng bala sa right side ng kaniyang body."

Matapos hilahin palabas ay humingi pa ng tulong ang babae ngunit makalipas ang 13 minuto nang bumagsak siya ay hindi na ito gumalaw.

Mga basyo ng assault rifle ang natagpuan sa crime scene, ayon sa pulisya. Mga pinamili naman mula sa appliance store ang nakita sa loob ng sasakyan ng mga biktima. — Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.