'Kakayanin ko pa': 72-anyos na jeepney driver na nakulong dahil sa protesta, handang magbalik-pasada

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2020 10:26 AM

Watch more in iWantTFC

Hindi mag-aatubiling bumalik sa pamamasada si Elmer Cordero, 72, isa sa 6 na jeepney driver na kalalaya lang matapos arestuhin sa isang protesta para sa dagdag na ayuda mula sa gobyerno at panawagang muling makapaghanapbuhay.

"Talagang kakayanin ko pa kasi d'yan ako lumaki, d'yan ko rin nakuha 'yong sakit-sakit sa pagmamaneho. Hindi ko lang masabi kung tuloy-tuloy pero nasa jeep pa rin ako," sinabi ni Tatay Elmer sa ABS-CBN Teleradyo.

Inaresto si Cordero at 5 kasamahan driver mula sa grupong PISTON noong Hunyo 2. Unang nakapagpiyansa ang 4 na miyembro nitong Lunes ng grupo pero naiwan si Cordero at isa pang kasamahan dahil may hiwalay umano silang kaso.

Kinasuhan ng estaga si Cordero noong 2002 dahil hindi siya nakapagbayad sa inuupahang talyer.

Nakalaya rin siya at kasamahang si Wilson Ramilla nitong Martes ng gabi matapos magpiyansa ng P10,000.

Una nang na-dismiss ang kaso ni Ramilla na carnapping noong 2008 at na-serve na nito ang kasong qualified theft, paglilinaw ng kaniyang abogadong si JV Topacio.

TeleRadyo, Hunyo 10, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.