PatrolPH

Taxi driver nanghipo ng menor de edad na papunta sa Moving Up Day

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2022 07:59 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Tiklo ang isang taxi driver matapos umano manghipo ng menor de edad na babaeng pasahero sa Quezon City.

Papunta sa moving up ceremony ang isang 16-anyos na biktima nitong Miyerkoles nang masakyan niya ang taxi nitong suspek.

Sa imbestigasyon ng PNP, habang binabaybay ng taxi ang Commonwealth Avenue, huminto at nagrequest ng selfie umano ang driver sa pasahero niyang babae

Dito na umano hinawakan ng suspek sa binti, balikat at maseselang bahagi ang biktima.

Kahit takot na takot nagpahatid pa rin ang biktima sa destinasyon at pagbaba, nagpaalam ang biktima na may gagawin lang sandali kaya naghintay ang suspek.

Pero ang di alam nito nagsumbong na biktima sa moderator ng event na siya naman humingi ng tulong sa mga pulis na nakaposte sa lugar

Agarang nakaresponde ang mga ito at nadakip ang suspek.

Sa harap umupo ang biktima kaya nagpayo ang mga awtoridad na hindi dito umupo.

"Hanggat maaari, 'pag sumakay ng taxi, dun sila sa bandang likod para 'di sila abot ng taxi driver," ani Pol. Maj. Kenneth Louie Leaño, deputy commander ng QCPD PS-6.

May ebidensyang larawan umano ang biktima kung saan hawak-hawak ng suspek ang binti ng biktima.

Nakakulong na ang suspek na QCPD Station 6 na nahaharap sa patong patong na kaso.—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.