PatrolPH

Mga mangingisda sa GenSan nanawagan ng suspensyon ng fuel excise tax

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2022 01:11 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA – Nananawagan ang mga mangingisda sa General Santos City ng tulong sa pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagsirit ng mga presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Ruel Libawan ng Minanga Buayan Fishermen Association, umaabot na sa P80 kada kilo ang presyo ng gasolina sa lugar.

Dagdag pa niya, ang krudong nabibili nila ngayon ay sapat na lang isang araw ng pangingisda. 

“Isang biyahe lang yan Sir. Hindi pa namin alam kung makakahuli pa kami ng isda,” aniya.

Kuwento pa ni Libawan, hindi pa rin nagtataas ang bayad sa mga produktong ibinabagsak nila sa palengke.

Panawagan niya ngayon sa gobyerno, ipatupad na ang suspensyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

“Dapat nga pinapatupad nila yan Sir, malaking tulong yan sa amin.”
Aniya, kahit hirap na hirap na sa trabaho, hindi nila kayang tumigil sa pangingisda.

“Kasi kung magtigil kami wala namang kakainin.”

--TeleRadyo, 9 June 2022
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.