PatrolPH

25,000 senior citizens sa QC nabigyan na ng tig-P2,000 ayuda

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 10:51 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nasa 25,000 senior citizens sa Quezon City ang nakatanggap na ng tig-P2,000 ayuda mula sa lokal na pamahalaan, ayon sa isang opisyal.

Nagsimula ang pamimigay ng ayuda noong Mayo 26 matapos makapagrehistro ang 40,000 senior citizens online noong Mayo 26, ayon kay Rogelio Reyes, head ng QC public employment service office.

"Napansin po namin medyo may kahirapan po sa laki ng volume atsaka may problema po sa dataset so nag-apply na po ang city government ng multiple approach para pong SAP (social amelioration program). Ibibigay na sa mga barangay ngayong a-15 ng Hunyo," aniya.

Nasa 300,000 senior citizens ang target ng lungsod na mabigyan ng ayuda, dagdag niya.

Samantala, inaayos pa ang listahan ng persons with disabilities, ayon kay Reyes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.