ALAMIN: Mga road repair sa Kamaynilaan ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2017 04:34 AM | Updated as of Jun 10 2017 04:05 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista sa gagawing road reblocking at repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalye sa Metro Manila ngayong weekend.

Nagsimula na ang pagsasaayos ng mga kalsada Biyernes ng gabi at tatagal hanggang Lunes ng umaga, Hunyo 12. 

Isinasagawa ng DPWH ang pagsasaayos ng mga sumusunod na kalye sa Northbound:

- Mindanao Avenue bago mag-Old Sauyo Road, Quezon City
- Commonwealth Avenue malapit sa Litex Road, Quezon City
- Quirino Highway malapit sa T. Urbano, Quezon City 
- Congressional Avenue Extension, sa pagitan ng Luzon Avenue hanggang Tandang Sora Avenue sa Quezon City

Sa Southbound, kabilang sa isinasaayos ay ang EDSA pagitan ng bago mag-Quezon Avenue, Quezon City, at C-5 Road sa pagitan ng Julia Vargas hanggang Las Tiendas.

Muling madaraanan ang mga nabanggit na kalsada sa Lunes dakong alas-5 ng umaga.

-- Ulat ni Jon Ibañez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.