PatrolPH

PANOORIN: Grupo ng mga killer whale namataan sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 09:26 AM

Watch more on iWantTFC

Courtesy of Khalid Facullo

ANTIQUE—Namangha ang ilang diver matapos masilayan ang grupo ng mga killer whale o pod sa karagatan na sakop ng bayan ng Libertad, Antique noong nakaraang linggo.

Ayon kay Khalid Facullo, nakuhanan niya ng video ang mga killer whale habang pauwi na sila sa isla ng Boracay noong Mayo 31. Galing sila sa Maniguin Island para mag-diving.

Nasa 9 na killer whale ang kanilang nakita na nakikipag-unahan sa kanilang sinasakyang bangka.

Ang killer whale ay itinuturing na "top predator" ng karagatan na kumakain ng isda, ayon sa US National Oceanic and Atmospheric Administration. 

Hindi talaga sila whale kundi pinakamalaking miyembro ng dolphin family, ayon sa World Wildlife Fund.

Ayon sa mga mangingisda sa lugar, ang karagatan ng Antique ay isa sa mga mayaman at masaganang fishing ground sa Pilipinas.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.