Mga nasunugan sa Barangay Holy Spirit sa QC, umapela ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 10:42 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Umaapela ng tulong ang mga residente ng Barangay Holy Spirit para sa muling pagbangon matapos na masunugan nitong Lunes.

Martes ng umaga nang subukan ng ilang mga residente na bumalik sa nasunog nilang mga bahay para tingnan kung may mga gamit pang pwedeng maisalba.

Nasa 50 pamilya ang apektado ng sunog pero mahigit 20 lamang ang nagpunta sa evacuation center sa covered court ng Holy Spirit National High School. Ang iba ay nakituloy muna sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Nagbigay naman agad ng pagkain at iba pang pangangailangan ng nasunugan mga residente ang lokal na pamahalaan ng lungsod. Pero ayon sa mga nasunugan mas kailangan nila yung mas pangmatagalang tulong gaya ng pagpapagawa ng kanilang bahay.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

- TeleRadyo 8 Hunyo 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.