3 bodegang kabubukas pa lang sa general quarantine, nasunog sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2020 09:54 AM | Updated as of Jun 08 2020 06:16 PM

Watch also in iWantTFC

Nasunog ang 3 bodega sa Barangay Potrero, Malabon ngayong Lunes, eksaktong isang linggo matapos nilang muling magbalik-operasyon kasabay ng pagluluwag ng coronavirus lockdown ng Metro Manila. 

Nagsimula ang sunog dakong 1 a.m. sa warehouse ng surplus items. Kumalat ito sa katabing imbakan ng sabon bago kumalat sa isa pang bodega ng surplus items mula sa Japan. 

Tinatayang P100 milyon ang halaga ng mga gamit na natupok sa ikatlong bodega pa lang, ayon sa may-ari nitong si Ding Pangilinan. 

Hindi pa tiyak kung magkano ang danyos sa 2 pang warehouse. 
Inestima naman ng Bureau of Fire Protection sa P15 milyon ang halaga ng structural damage ng 3 gusali. 

Nag-alsa balutan naman ang mga residente ng mga bahay malapit sa sunog na inaapula pa rin bandang alas-7 ng umaga. 

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente. Walang nasaktan dito. 

TeleRadyo, Hunyo 8, 2020 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.