'Basta kotong, walang patawad': Bagong polisiya ng MMDA

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 11:09 AM | Updated as of Jun 08 2017 11:53 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Nangako ang pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority na agarang masisibak ang mga traffic enforcer mapapatunayang nangotong sa mga motorista, Huwebes.

"Basta traffic enforcers natin na klarong-klarong nakuhanan ng video o may eyewitness, na tumatanggap, iyung kotong, hindi ko sila bibigyan ng tsansa," ani MMDA chairman Danny Lim sa panayam ng radyo DZMM.

"Kaya iyung mga kababayan natin, kung mayroon kayong mga nakuhanan na video na in the act, ipadala lang sa amin at aaksyunan namin agad iyan dahil iyun ang polisiya ko ngayon: basta kotong, walang patawad."

Idiniin ni Lim na nagpapatupad ng "no contact apprehension" policy sa mga pangunahing kalsada, kung saan natutukoy ang paglabag sa batas-trapiko sa tulong ng 400 CCTV camera na binabantayan ng mga kawani sa MMDA traffic base.

Pinapadalhan anya ng notice ang mga nagkamaling motorista at pinagbabayad ng penalty sa bangko.

"Walang case na dapat nag-aabot sila ng pera sa enforcers natin," ani Lim.

Panoorin dito ang buong panayam ng DZMM kay Lim.

DZMM TeleRadyo, 8 Hunyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.