PatrolPH

Matadero sinaksak sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2023 06:50 AM | Updated as of Jun 07 2023 08:42 PM

Watch more on iWantTFC

Patay ang isang matadero matapos saksakin ng ka-trabaho sa sa isang palengke sa Novaliches nitong Martes. 

Base sa CCTV footage ng palengke, nag-uusap ang biktima at isang lalaking nakasuot ng pulang sombrero na nakaupo sa gilid. 

Ilang sandali pa ay kumuha na pala ng patalim ang suspek na nasa likod ng biktima at doon na siya pinagsasaksak.

Tila pinanood lang ng ibang mga tao sa gilid ang pangyayari.

Patay ang 39 na taong gulang na biktima sa matapos magtamo ng 8 saksak sa tagiliran at leeg.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng QCPD, una nang nakipag-inuman ang biktima sa suspek kasama ang iba pang tao sa palengke.

Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang biktima sa kainuman na siyang kinagalit ng suspek.

Sunod sunod na saksak ang binitiwan nito sa biktima hanggang sa itapon ng suspek ang patalim at kumaripas ng takbo papalayo sa pinangyarihan ng krimen.

Nahuli din naman ito kahapon matapos magtago sa bahay ng kanyang amo sa Norzagaray, Bulacan.

Depensa naman ng suspek na inunahan lamang daw niya ang biktima nang tumingin ito ng masama sa kanya habang kaalitan ang ang isang kainuman.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.