Home > News Cellphone vendor, tricycle driver nahulihan ng shabu Karen de Guzman, ABS-CBN News Posted at Jun 07 2023 07:14 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Timbog ang isang tindero ng cellphone at isang tricycle driver matapos makuhanan ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu sa Rosario, Cavite Martes ng gabi. Base sa ulat ng Rosario Municipal Police Station, pasado alas siete ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ang drug buy-bust operation sa Barangay Tejeros Convention sa Rosario na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek. Nakumpiska sa kanila ang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang aabot sa P3.45 milyon ang halaga. Matapos ang imbentaryo ay dinala ang mga narekober na ebidensya sa PDEA Regional Office sa Calamba, Laguna para sa pagsusuri. Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber tagalog news, teleradyo Read More: Illegal drugs drug buy-bust ops droga shabu Rosario Cavite tagalog news teleradyo