PatrolPH

Lisensiya ng SUV driver sa hit-and-run, pwedeng ma-revoke

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2022 11:43 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Maaaring ma-revoke ang driver's license ng isang suspek na nang hit-and-run ng isang sekyu sa Mandaluyong City.

Kamakailan, nakuhanan ng video ang security guard na nasagasaan ng suspek na sakay ng SUV. Imbes na hintuan, nagtuloy-tuloy lang sa pag-andar ang suspek at nagulungan pa ang natumbang biktima.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante, habang iniimbistigahan nila ang kaso, nag-issue na sila ng 90 days preventive suspension laban sa suspek.

Magpapadala sila ng pangalawang show-cause order sa suspek na magpakita sa kanilang tanggapan dahil walang indikasyon na darating ang suspek sa unang show cause order.

Ani Galvante, ipapataw na ang kaparusahan kung hindi magpapakita ang suspek sa pangalawang show-cause order.—SRO, TeleRadyo, Hunyo 7, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.