PatrolPH

Libreng shuttle ride sa NAIA magsisimula sa June 15

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2022 09:49 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Inanunsyo ng Department of Transportation ang "Libreng Sakay" program kung saan simula June 15, libre ang airport shuttle rides para sa mga pasahero sa arrival areas ng Ninoy Aquino International Airport Terminals 2 and 3.

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, nasa isang daang GRAB units mula sa NAIA ang maghahatid serbisyo sa mga pasahero papunta kahit saang destinasyon sa National Capital Region.

Dagdag ni Tugade, malaking bagay ang "Libreng Sakay" para sa mga pasahero para agarang makauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Hanggang June 30 at mula 8 p.m. hanggang 11 p.m. ang programa sa mga NAIA passenger.

Para maka avail ng service na ito, kailangan mag-book ng pasahero sa Grab booths na nakatalaga sa arrival areas ng NAIA Terminal 2 at 3.—Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.