PNP may 'person of interest' na sa pagpatay sa media executive sa GenSan

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2021 12:26 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - May "person of interest" na ang pulisya sa pagpatay sa isang media executive sa General Santos City noong nakaraang linggo.

Sa panayam kay General Santos City Police director Col. Gilbert Tuzon nitong Lunes, sinabi nitong may nakuha silang witness na siyang nakapagturo sa taong posibleng nasa likod sa pagpatay kay Yentez Quintoy.

Si Quintoy ay executive office director at chief of staff ng Brigada Group.

"Nakita po naming motibo dito ay personal grudge... Medyo malayo do'n sa trabaho niya," ani Tuzon.

Noong Hunyo 4, binaril si Quintoy ng mga salarin na nakasakay ng motorsiklo habang nagmamaneho ito papauwi ng kaniyang bahay.

Sinabi ni Tuzon na sa kasalukuyan ay tinutugis nila ang "person of interest".

Nag-alok ng P1 milyon na pabuya ang Brigada Group of Companies sa makapagbibigay ng impormasyon sa responsable sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.