Lalaking hindi nakabayad sa utang, tinorture ng sindikato

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2018 01:29 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagbabala ang PNP Anti-Kidnapping Group laban sa sindikato ng mga loan shark. Modus operandi nila ang pautangin ang isang taong nalulong sa pagka-casino. Oras na hindi makabayad, kikidnapin na ng sindikato ang may utang sa kanila na kadalasan ay mga Chinese. Vivideohan habang tino-torture at saka gagamitin ito bilang pang-blackmail sa pamilya ng biktima sa China. Mismong ang Chinese Embassy na ang dumudulog sa PNP Anti-Kidnapping Group dahil sa sumbong ng pamilya ng mga biktima sa China. Exclusive, i-Bandila mo, Maan Macapagal. - Bandila, Miyerkoles, 6 Hunyo, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.