Home > News 8 kilo shabu nakakubli sa mga spices nahuli sa NAIA Anna Cerezo, ABS-CBN News Posted at Jun 06 2023 08:14 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Isang airline passenger ang tiklo matapos umano mahulihan ng nasa P56-milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport noong Lunes. Sinubukan umano ng Liberian passenger na itago ang 8 kilong umano’y shabu at isama ang mga ito sa package ng mga condiments at dried shrimp para maitago sa K-9 units sa NAIA Terminal 3. Pero napansin umano ng mga awtoridad ang kahina-hinalang images nang isailalim ang 2 itim na bag sa regular X-ray scanning machine kasama ang check-in baggage ng ibang pasahero. Napag-alaman na ang Liberian na sinasabing may-ari ng bagahe ay hindi pinapapasok ng Bureau of Immigration dahil kulang ang mga dala nitong dokumento. Galing sa Nigeria ang dayuhan at kumuha ng connecting flight sa Qatar patungo sa bansa. Nang buksan ang mga bagahe na naglalaman ng spices at dried shrimp, dito na tumambad ang mga hinihinalang shabu. Nagsagawa ang mga awtoridad ng field test at nakumpirma itong shabu. Todo-tanggi ang suspek na sa kanya ang bagahe at iginiit na nagpunta lang siya sa bansa para mag-aral. Mananatili naman sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency ang suspek. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Liberian shabu NAIA Ninoy Aquino International Airport NAIA Terminal 3 Bureau of Immigration