PatrolPH

Rider patay matapos sumalpok sa dump truck sa QC

Jeff Caparas, ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2022 09:15 AM

Watch more News on iWantTFC

Dead on the spot ang isang rider sa bahagi ng Quezon Avenue pasado alas dose kanina matapos nitong tumbukin ang sinusundan niyang dump truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, nayupi ang unahang bahagi ng motor at nagtalsikan ang mga pira pirasong bahagi nito.

Ang nabangga niyang truck, natanggal ang bumper senyales nang tindi ng pagkaka salpok nito.

Ayon sa driver ng truck na si Neptali Joson, binabaybay niya ang Quezon Avenue para ideliver ang kargang buhangin patungo ng Quezon Province nang makarinig siya ng napakalakas na kalabog.

Akala raw niya sumabog ang kanyang gulong kaya agad siyang huminto.

Pagbaba niya ng truck, laking gulat niyang buo pa ang gulong pero bumulaga sa kanya ang nakahandusay ng rider.

Naka-detain na ang truck driver ng mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Dinala naman na sa punerarya ang bangkay ng rider.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.