PatrolPH

Magnanakaw huli matapos makasalubong ang mga pulis

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2023 08:56 AM

Watch more on iWantTFC

Timbog ang isang umano'y miyembro ng Akyat-Bahay na labas-masok sa kulungan matapos mahuling nagnanakaw ng mamahaling speaker sa La Loma, Quezon City. 

Naaktuhan mismo ng may-ari ng bahay ang suspek habang ninakaw umano ang kanyang mga gamit sa bahay sa Barangay San Jose, La Loma, Quezon City.

Nang makita ang may-ari, agad tumakas ang suspek bitbit ang isang mamahaling speaker na nagkakahalaga ng P18,000.

Habang hinahabol ng biktima ang suspek malas namang nakasalubong ito ng mga nagpapatrol na pulis at nadakip ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang tinangay na speaker.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.