Safety protocols kontra COVID-19, hindi nasusunod sa Commonwealth Market sa ika-4 araw ng GCQ

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 08:33 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hindi nasusunod ang ilang safety protocols kontra novel coronavirus sa Commonwealth Market ngayong Huwebes sa ika-4 na araw ng general community quarantine sa Quezon City.

Bago pa sumapit ang 4:00 ng madaling araw sa naturang palengke, makapal na ang volume ng dumarating para mamili.

Walang nagsasagawa ng thermal scanning at kakaunti lamang sa mga manininda ang nakasuot ng face mask at iba pang safety gear.

Dahil sa kapal ng bilang ng tao, hindi na rin naisasagawa ang physical distancing o kaya ang pagpila sa loob ng lugar.

Maayos namang naipapatupad ng mga awtoridad ang pagdidirekta sa batas trapiko para sa mga saksakyang umaalis at dumarating.

Nitong Martes, nag-inspeksyon si Mayor Joy Belmonte sa ilang pamilihan sa siyudad para mamigay ng safety gear at ipaalala sa mga tao na magsagawa ng physical distancing at maghugas ng kamay.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.