PatrolPH

Lozada di nagsisisi maging NBN-ZTE whistleblower pero di handa sa pagkakakulong

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2022 08:55 PM | Updated as of Jun 03 2022 09:18 PM

Watch more News on iWantTFC

Ano mang araw ay ihahatid na ng National Bureau of Investigation ang whistleblower ng NBN-ZTE deal na si Jun Lozada sa kulungan, oras na lumabas ang kaniyang arrest warrant mula sa Sandiganbayan. Ito ay matapos mapagtibay ng Supreme Court ang hatol sa hiwalay na kaso ng katiwalian. Aminado siyang bagama't wala siyang pagsisi sa pagsabi ng totoo ay hindi siya handa para sa kaniyang pagkakakulong. Nagpa-Patrol, Niko Baua. TV Patrol, Biyernes, 3 Hunyo 2022. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.