Morning Breeze Homes sa Muntinlupa, isasailalim sa 'extreme localized community quarantine'

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 07:23 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Isasailalim sa extreme localized community quarantine ang Morning Breeze Homes sa Barangay Alabang, Muntinlupa simula ngayong Miyerkoles, ayon kay Mayor Jaime Fresnedi.

Tatagal ito ng tatlong araw at lahat ng residente ay hindi pwedeng lumabas ng bahay dahil umano sa pagtaas ng novel coronavirus cases sa naturang lugar.

Ayon naman sa alkalde, nagpadala na ang city social welfare department ng mga relief goods dahil sa biglaang lockdown.

Magsasagawa rin ang mga awtoridad ng rapid testing sa mga residente.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.