4 sasakyan nagkarambola sa C5 Ortigas flyover

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 08:42 AM | Updated as of Jun 03 2020 09:22 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagkarambola ang dalawang kotse, isang truck at isang 16-wheeler sa kabahaan ng C5 Ortigas flyover ngayong Miyerkoles ng umaga, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Minamaneho ni Rosauro Gil ang 16-wheeler at ayon sa kasamahan n'ya, galing sila ng Valenzuela at papunta sana ng Taguig at habang binabaybay nila ang flyover ay sumalpok ito sa likuran bahagi ng truck.

Dagdag pa n'ya, sa lakas ng pagkakasalpok sa truck ay natamaan rin nito ang katapat n'yang kotse at nagasgas sa gilid ang isa pang kotse.

Wala namang nasugatan sa mga driver pero binigyan ng medical assistance si Gil dahil nahihirapan umano siyang huminga.

Agad dumating ang tauhan ng MMDA upang manduhan ang trapiko sa lugar. Hinahatak na ang dalawang nakahambalang na truck.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.