Home > News Residential area sa Malabon nasunog, 1 sugatan Champ de Lunas, ABS-CBN News Posted at Jun 02 2023 06:35 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA — Isang residente ang sugatan habang 15 bahay natupok sa sunog sa isang residential area sa Malabon. Alas 10:24 ng gabi nitong Huwebes nang magsimula ang sunog sa Brgy. Muzon, Malabon City. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa labinlimang bahay. Dalawampu’t limang pamilya ang naapektuhan ng sunog. Idineklara ng Malabon BFP ang fire out ng alas 11:34 ng gabi. Ayon kay Fire Captain Jezreel Malapit, chief of operations ng Malabon BFP, dahil sa kakulangan sa tubig, nag-water drafting ang nga bombero mula sa Tullahan River. Wala mang naisalbang gamit ang residenteng si Clarissa Alejo, ang mahalaga aniya ay walang nasaktan sa kaniyang pamilya. Naisalba ng residenteng si Efren Salazar ang ilang mahahalagang dokumento pero nasugatan siya dahil sa pag-apula ng apoy. Nabigyan siya ng paunang lunas, saka dinala sa ospital. Gawa sa pinaghalong concrete at light materials ang mga bahay. Ini-imbestigahan pa ang sanhi ng sunog. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, PatrolPH Read More: sunog Malabon BFP fire Bureau of Fire Protection