Pila ng sasakay sa MRT Taft Avenue station umabot hanggang bangketa

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 06:58 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Abot hanggang sa bangketa ngayong Martes ang pila ng mga sasakay sa MRT Taft Avenue station bilang pagsunod sa physical distancing measures.

Bago pa man ang 5:00 ng umaga, maagang pumunta ang ilang mga pasahero para abangan ang pagbubukas ng istasyon.

Ilang mga pasahero ang sumakay pa ng tricycle o kaya'y naglakad para lamang makarating ng istasyon.

--Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.