Mga pasahero ng MRT, maagang pumila sa ika-2 araw ng GCQ

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 06:43 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Maagang pumila ang mga pasahero sa MRT Quezon Avenue Station ngayong Martes sa ikalawang araw ng general community quarantine.

Katulad kahapon, nakabantay pa rin ang mga tauhan ng Philippine National Police upang mahigpit na maipatupad ang physical distancing sa mga pasahero.

May thermal scanners, foot bath, at mga guide marks sa loob ng istasyon para maipatupad ang one meter physical distancing sa mga tao.

Hindi rin papapasukin ang mga pasahero na walang suot na face mask.

May mga handwashing at disinfectant stations rin para sa mga pasahero.

Nakasuot rin ng proper safety gears ang mga personnel ng tren at dalawang beses sa isang araw silang nagsasagawa ng temperature check upang ma-monitor kung may mga sintomas rin sila ng COVID-19.

Samantala, may point to point buses rin na nakaparada sa ibaba ng istasyon para sa mga nais mag-bus diretso sa Ayala o kaya'y sa Taft Avenue.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.