Lalaking bigong silaban ang sarili huli matapos ang sunog sa barangay sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 07:43 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hinuli ng mga awtoridad ang isang lalaking bigong silaban ang sarili sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong, ayon sa Bureau of Fire Protection na isa sa tinitignan nilang sanhi ng sunog nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa BFP, sinubukan silaban ng 34 anyos na lalaki ang sarili ngunit nabigo ito at kumalat na sa kanyang bahay ang apoy hanggang sa umabot na sa ibang bahay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa sanhi ng sunog.

Tinupok ng sunog ang higit P2 milyong halaga ng pinsalang dinulot ng sunog na umabot sa general alarm at iniwang walang tirahan ang 1,000 pamilya.

--May ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.